Super Junior muling babalik sa Pilipinas para sa isang concert

Babalik sa Pilipinas ang KPop boy band na Super Junior.

Idaraos ang concert ng grupo sa Mall of Asia sa Pasay City sa June 30, 2019 bilang bahagi ng kanilang international show na “Super Show 7”.

Bagaman alas 8:00 pa ng gabi ang simula ng concert, alas 5:00 ng hapon ay bubuksan na nag mga gate.

Mabibili ang tickets para sa nasabing concert simula sa June 3, 2018 alas 10:00 ng umaga sa lahat ng SM Tickets outlets.

Ang halaga ng ticket ay P12,500 (Seated S,J / Standing S,J / Standing Center / VIP Seated), P10,500 (Lower Box), P6,500 (Upper Box A), P5,500 (Upper Box B), P4,500 (Gen Ad A), P3,500 (Gen Ad B), at P2,500 (Generic Ad).

Limang taon ang nakaraan nang mag-concert ang Super Junior sa Pilipinas para sa kanilang “Super Show 5”.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...