Tatlong lalawigan, isinailalim na sa signal No. 3 dahil sa bagyong Lando

Dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong Lando habang papalapit ito sa Luzon, itinaas na ang public storm signal no. 3 sa mga lalawigan ng Northern Aurora, Quirino at Isabela.

Batay sa 11 pm bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), namataan ang bagyo sa layong 400 kilometro silangan ng Baler, Aurora.

Ito ay may lakas ng hangin na aabot sa 150 kph at pagbugso na 185 kph.

Nagbabala rin ang PAGASA na makakaranas ng mas mabigat na pag-ulan sa mga lugar na nasasakop ng 600 kilometrong diameter ng bagyo.

Itinaas naman ang public storm signal no. 2 sa mga sumusunod na lugar:

Iba pang bahagi ng Aurora
Polillo Island
Nueva Vizcaya,
Nueva Ecija,
La Union,
Benguet,
Ifugao,
Mt. Province,
Ilocos Sur,
Ilocos Norte,
Abra,
Apayao,
Kalinga, and
Cagayan including Babuyan and Calayan Islands.

Samantala, isinailalim na rin sa public storm signal no. 1 ang mga sumusunod na lugar:

Batanes
Pangasinan
Bulacan
Pampanga
Tarlac
Zambales
Bataan
Rizal
Batangas
Laguna
Quezon
Cavite
Albay
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Metro Manila.

Kanselado na rin ang pasok ngayong araw, October 17, sa lahat ng antas ng pribado at mga pampublikong paaralan sa Bohol, Nueva Ecija, Cebu, Siquijor, Cebu City, Mandaue City, at Laguna.

Read more...