Pangulong Aquino pinaghahanda ang publiko sa hanggang 12-oras na pag-ulan

OCT 16 LANDO 8pmHumarap sa publiko sa pamamagitan ng isang nationwide public address si Pangulong Benigno Aquino III para tiyakin sa publiko ang kahandaan ng pamahalaan sa bagyong Lando.

Ayon sa pangulo sa pagtaya ng PAGASA hindi magakilos ng malaya ang bagyo dahil sa bagyong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may International name na Champi.

Dahil dito, babagal aniya ang bagyong Lando at tatagal ang pananatili sa banas.

Tinataya ding magkakaron ng anim hanggang dose oras na matinding pagbuhos ng ulan ang bagyo.

Sinabi pa ni PNoy na sa pagtaya ng PAGASA, maaring umabot sa 185 kilometers ang lakas nito na nangangahulugang posibleng magtaas na signal number 4 sa mga maaapektuhang lugar.

Maaapektuhan ang mga regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, at CAR. Katumbas ito ng 1.5 milyon na pamilyang pilipino na residente ng nasabing mga lungsod na maaring maapektuhan.

Panawagan ni Pangulong Aquino sa publiko, iwasan ang mag-panic at gawin ang nararapat na paghahanda. “Nananawagan nga ako sa bawat Pilipino: Iwasan po natin ang mag-panic. Gawin natin ang nararapat na paghahanda. Subaybayan natin ang mga ulat; unawain ang mga kahulugan ng mga babalang ilalabas ng pambansa at lokal na pamahalaan—mula sa storm signals, rainfall warnings, storm surge advisories, at maging ang mga abiso ng evacuation kung kinakailangan,” ayon kay PNoy.

Sinabi ni PNoy na nakahanda ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng NDRRMC, DSWD, DPWH, DOE, NEA, DepEd, DOH, DTI, DILG, PNP, at BFP.

Napaalalahanan na rin aniya ang mga lokal na pamahalaan na maging handa at gawin ang nararapat.

Ang AFP at Philippine Coast Guard ay inihanda na ang ang mga eroplano, barko, at iba pang assets sakaling kailanganin ang rescue operations.

Pagtitiyak ni PNoy, ang pamahalaan ay nakahanda para tiyakin na maabot ang hangad na zero casualty.

Read more...