3 drug suspects arestado sa buy-bust sa Quezon

Timbog ang tatlong hinihinalang tulak ng droga sa buy-bust operations sa mga bayan ng Sariaya at Tiaong sa Quezon.

Nakilala ang mga suspek na si Germogenes Suelto, Roman Cesar Pengson at Glacy Ann Valencia.

Inaresto si Suelto sa Sariaya dakong alas-12:30 ng madaling araw kanina matapos pagebtnahan ng shabu ang isang police agent.

Inaresto naman sa parehong oras sina Pengson at Valencia sa Tiaong.

Tig-iisang gramo ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek.

Isa pang suspek na si Raymundo Ilag ang natimbog sa bayan ng Calauag. Gayunman, nakatakas ito bago pa man isilbi ng pulisya ang arrest warrant laban sa kanya sa kanyang bahay.

Nasabat sa bahay ni ilag ang limang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...