Defense Sec. Lorenzana dadalo sa security forum sa Singapore

Inquirer.net Photo

Pangungunahan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang delegasyon ng Pilipinas sa idaraos na security forum sa Singapore mula June 1 hanggang 3.

Ang “Shangri-La Dialogue” ay isa sa mga high-level security forums sa mundo na dinadaluhan ng mga defense ministers, military chiefs, at security experts mula sa Asya at iba pang mga bansa.

Kabilang sa mga inaasahang tatalakayin ni Lorenzana sa nasabing forum ang terorismo sa Asya.

Inaasahang magbibigay naman ng kaniyang keynote speech sa nasabing forum si Indian Prime Minister Narendra Modi.

Maging si US Defense Secretary James Mattis ay inaasahang magsasalita kaugnay sa US leadership and challenges sa rehiyon.

Ang naturang summit ay inorganisa ng London-based na International Institute for Strategic Studies.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...