Mayor sa Bohol pinatawan ng suspensyon ng Office of the Ombudsman dahil sa kulang na deklarasyon sa SALN

Sinuspinde ng Office of the Ombudsman si Mayor Danilo Guivencan ng Dimiao, Bohol dahil sa kabiguan isama ang business interests ng kanyang asawa sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs).

Ayon sa Ombudsman, hindi inilagay ni Guivencan ang business interests nat financial connections ng kanyang asawa sa kanyang mga SALN mula 2010 hanggang 2012.

Bunsod nito, hinatulan ng Ombudsman na guilty ang alkalde sa simple neglect of duty.

Pinasusupinde si Guivencan ng isang buwan at isang araw.

Sinabi ng Ombudsman na isinaad ng alkalde sa kanyang affidavit na hindi niya binigyang atensyon ang mga detalye ng SALN na inihanda ng kanyang mga tauhan.

Isinaad na naman ni Guivencan ang business interests ng kanyang asawa sa kanyang SALN noong 2013.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...