Ayon kay National police chief Mohamad Fuzi Harun kabilang sa mga dinakip ay anim na Malaysian, anim na Filipino, isang Bangladeshi na may-ari ng restaurant, at mag-asawa na mula sa north African country.
Kabilang sa mga nadakip na Malaysian ay isang 17 anyos na estudyante na natuklasang gumawa ng Molotov cocktails na gagamitin umano para bombahin ang ilang entertainment outlets, mga simbahan at Hindu temples sa Kuala Lumpur.
Hinihinalang miyembro ng Islamic State (IS) ang nasabing estudyante.
Kasama din sa mga nadakip ang isang 51 anyos na babaeng Malaysian dahil sa tangkang pagsagasa sa mga non-Muslims na bumoboto noong nagdaang eleksyon.
Ang anim na Pinoy naman na nadakip kasama isang Malaysian sa Sabah dahil sa pagkakadawit sa isang militant cell na nangungulekta ng mga armas para at pinaniniwalaang lalahok sana sa mga terorista sa Marawi City noong nakaraang taon.