Ayon kay Lobregat, ito ang dahilan kung kung bakit siya nag-abstain sa botohan sa ikatlo at huling pagbasa ng naturang panukala.
Sinabi nito na may ilang probisyon na dapat pa ring baguhin katulad na lamang ng tungkol sa repealing clause sa ilang existing na batas sa bansa.
Aasikasuhin anya nila ang pag-amyenda sa natitirang constitutional issues sa Bicameral Confernce ngayong session break ng Kongreso.
Gayunman, sinabi ni Lobregat, “substantially satisfied” siya sa amiyendang napasama sa inaprubahan nilang substitute bill matapos walang amiyendang napasama sa committee report ng tatlong komiteng tumalakay sa BBL.