Balasahan sa PNP, base sa rekomendasyon ng PNP Oversight Committe – Bulalacao

INQUIRER FILE

Nakabase sa rekomendasyon ng Oversight Committee ng Philippine National Police ang naging balasahan sa matataas na opisyal ng PNP.

Ito ang nilinaw ni outgoing PNP Spokesman at incoming PRO 6 Director Chief Supt. John Bulalacao kasabay ng pagsasabi na hindi personal na pinili ni PNP Chief Oscar Albayalde ang mga bagong ipinwestong opisyal.

Paliwanag ni Bulalacao, ang PNP Oversight Committee aniya ang tumitingin at nagsusuri ng mga kwalipikasyon ng mga opisyal at nagtatalaga kung saan sila dapat na ilagay.

Ang pinakadahilan anya ng ‘major revamp’ ay ang pagreretiro ng 3 police director generals, 3 police directors, at ang regular reshuffle ng mga Regional directors na tumagal na ng 2 taon sa pwesto.

Kabilang sa mga opisyal na nailipat ng pwesto sina:

Read more...