P2.25M na halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa Bohol

Photo from PNP Panglao

Aabot sa P2.25 million na halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa isinagawang drug buy-bust operation sa Panglao, Bohol.

Isinagawa ng Philippine National Police (PNP) PNP Drug Enforcement Group 7 at ng Provincial Intelligence Branch ng Bohol Provincial Police Office ang operasyon Biyernes ng umaga.

Ayon kay Police Supt. Glen Mayam, hepe ng PNP DEG-7, inaresto sa naturang operasyon ang suspek na si Rey Jacquese Cesar Araña – 23 anyos.

Nakuha mula kau Araña ang tatlong malalaking pakete ng shabu na tinatayang aabot sa P2.25 million ang halaga.

Nakakulong ngayon si Araña sa Panglao Police precinct.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...