Biyahe ng MRT nagka-aberya, 250 na pasahero pinababa sa GMA-Kamuning station

Nakaranas ng aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) Biyernes (June 1) ng umaga.

Naitala ang aberya alas 10:11 ng umaga sa bahagi ng GMA-Kamuning station southbound.

Aabot sa 250 na pasahero ang pinababa makaraang makaranas ng signaling error.

Makalipas naman ang apat na minute dumating na ang kasunod na tren at nakasakay din ang mga pasahero.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...