PNP may bagong tapagsalita

INQUIRER FILE

May bagong tagapagsalita ang Philippine National Police (PNP).

Itinalaga ni PNP chief Oscar Albayalde si Sr. Supt. Bong Durana bilang bagong spokesman ng PNP kapalit ni Chief Supt. John Bulalacao.

Si Bulalacao ay bago pa lamang bilang tagapagsalita ng PNP at nagsimula lang ito noong Enero.

Inilipat naman si Bulalacao sa Police Regional Office 6 para pamunuan ang Western Visayas police.

Papalitan ni Bulalacao sa Region 6 si P/CSupt. Cesar Binag na itinalaga bilang bagong pinuno ng Directorate for Information and Communication Technology Management ng PNP.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...