BREAKING: Luzon grid muling isasailalim sa yellow alert dahil sa manipis na reserba ng kuryente

Muling isasailalim sa yellow alert ang Luzon grid dahil sa manipis na reserba sa kuryente ngayong araw, June 1.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ilalagay sa yellow alert ang Luzon grid mula alas
12:00 ng tanghali hanggang alas 4:00 ng hapon.

Sinabi ng NGCP na mayroon lang kasing 11,354 megawatts na available capacity habang nasa 10,615 megawatts ang peak demand.

Dahil dito, pinaghahanda na ng Meralco ang mga kumpanya, malalaking korporasyon at establisyimento na nasa ilalim ng kanilang Interruptible Load Program.

Sakali kasing tuluyang kapusin ang suplay ng kuryente ang mga nasa ilalim ng ILP ay pagagamitin ng kanilang generator sets para maiwasan na ang pagpapatupad pa ng brownout.

Sa mga nasa tahanan naman payo ng Meralco, magtipid sa paggamit ng kuryente.

Alisin sa saksak ang mga appliances na hindi naman ginagamit, iwasang ibukas-sara ang refrigerator, at linisan lagi ang blades ng electric fan at aircon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...