Dance party sa Quezon nauwi sa karahasan, isa ang patay at isa ang sugatan

Isa ang patay matapos mauwi sa karahasan ang isang dance party sa bayan ng Real sa Quezon na kilala sa tawag na “Mayohan”.

Ito ay makaraang barilin hanggang sa mapatay ang isang lalaki sa kasagsagan ng party alas 12:10 ng madaling araw ng Biyernes, June 1.

Kinilala ni Real police chief Insp. Erwin Papagayo ang biktimang si Novy Buni na binarily habang kasayaw ang ka-partner na si Nelia Bandias.

Limang beses umanong binarily ng malapitan ang biktima ng suspek na kinilalang si Allan Regador gamit ang kalibre 45 na baril,

Ayon kay Buni, agad nasawi ang biktima habang nagtamo ng sugat si Bandias matapos tamaan din ng bala.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Posibleng personal na galit umano ang motibo sa pamamaril.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...