Major revamp ipinatupad sa PNP; Eleazar bagong NCRPO Chief

Radyo Inquirer File Photo

(BREAKING) Nagpatupad ng balasahan sa Philippine National Police (PNP) para sa mga pangunahing posisyon sa pambansang pulisya.

Epektibo ngayong araw, June 1 ang reassignment batay sa kautusan ni PNP Chief Oscar Albayalde.

Kabilang sa apektado ng balasahan ang mga sumusunod na opisyal:

Si P/Dir. Federico Dulay Jr., na inalis sa Civil Security Group (CSG) para ilipat sa Office of the Chief PNP.

Si P/Dir. Camilo Cascolan ay inalis sa National Capital Region Police Office (NCRPO) inilipat sa CSG.

Si P/CSupt. Guillermo Eleazar ay inalis sa PRO CALBARZON at ipinalit bilang hepe ng NCRPO.

Si P/CSupt. Edward Carranza naman ay inalis na sa PRO Cordillera at ipinalit kay Eleazar sa PRO CALABARZON.

Si P/CSupt. Rolando Nana inalis din sa NCRPO para dalhin sa PRO Cordillera.

At si P/CSupt. Rolando Anduyan naman ng PRO ARMM ay inilipat sa NCRPO.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...