2 big time suppliers ng droga arestado sa Lucena City

Arestado ang dalawang ‘di umano’y big-time illegal drug suppliers sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Lucena City, Quezon Province umaga ng Biyernes, June 1.

Naaresto ng mga anti-illegal drugs operatives sina Ronaldo de Jesus at kanyang kinakasama nito na si Elizabeth Baldonado matapos magbenta ng shabu sa isang undercover na pulis sa Barangay Cotta ala-1:00 ng umaga.

Nasabat sa dalawa ang walong plastic sachets ng shabu na may timbang na 36 gramo na nagkakahaga ng P245,000 at P500-marked money.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...