Choke points sa school opening tututukan ng MMDA

Hihigpitan ang pagpapatupad ng mga batas trapiko sa mga pangunahing lansangan malapit sa mga paaralan sa pagbubukas muli ng mga klase sa Lunes, June 4.

Ito ang sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia at aniya magdadagdag din sila ng kanilang mga traffic constables sa University Belt- Manila, Katipunan Road, EDSA, Cubao, Aurora, at Balintawak Cloverleaf.

Aniya sa kabuuan, 1,444 traffic constables ang kanilang ipapakalat sa mga lugar na tambak ang mga estudyante.

Bukod pa dito, paiigtingin din nila ang kanilang sidewalk clearing operations para malinis ang mga bangketa nang hindi sa kalsada naglalakad ang taumbayan.

Ibinahagi nito na susubaybayan nila ang mga kalsada mula sa kanilang Metrobase at gagamitin din nila ang kanilang Agila Mobile Base, na may mga CCTV cameras.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...