Sasailalim kasi sa renovation ang emergency room ng PGH na sa pagtaya ay maaring tumagal ng apat hanggang walong buwan.
Maagang naglagay ng notice sa harapan ng ER ng PGH kung saan nakasaad ang pansamantalang pagsasara nito.
Mayroon ding direksyon na ibinibigay sa mga pasyente kung saan matatagpuan ang temporary ER.
Ayon kay Dr. Jonas Del Rosario, tuloy naman ang pagtanggap nila ng emergency cases dahil mayroon silang itinalaga na pansamantalang ER.
Gayunman, mas maliit ang lugar at mababa ang kapasidad kaya payo nila sa mga pasyente, kung hindi naman grabe ang lagay ay maaring sa ibang pagamutan muna magtungo.
Sampung taon na umano ang nakalilipas mula nang huling ma-renovate ang ER ng PGH kaya kinakailangan na talaga ang pagsasaayos.