Lalaki arestado matapos pagnakawan ang mga pasahero ng bus sa Mandaluyong

Eastern Police District

Kalaboso ang isang lalaki matapos mang-holdup ng isang bus sa panulukan ng EDSA Northbound at Reliance Street na sakop ng Barangka Ilaya sa Mandaluyong City.

Nakilala ang suspek na si Rommel Mercado, 24 na taong gulang, habang nakatakas naman ang kanyang kasamahan na si Jerick Loyola alyas Ek-eh, 24 na taong gulang rin.

Kwento ng mga biktima na sina Jerome Bernardino at Allysa Kaye, pagdating ng kanilang sinasakyang Metrolink bus sa kanto ng Reliance Street ay nagdeklara ng holdup ang mga suspek.

Tinutukan umano sila ng mga ito ng patalim at kinuha ang kanilang mga cellphone.

Napansin ng mga nakabantay na pulis-Mandaluyong ang pangyayari, dahilan upang agad na rumespunde.

Nabawi sa arestadong suspek ang cellphone ng mga biktima at patalim na ginamit sa krimen.

Ngayong umaga ay isasailalim sa inquest proceedings si Mercado at sasampahan ng kasong may kaugnayan sa robbery-holdup.

Read more...