Dead on the spot ang dalawang tao matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding in tandem sa Snake Road, Pulong Kendy, Barangay Sta. Ana, sa Taguig City.
Kinilala ang mga biktima na sina Rodel Dizon at Arkam Ramos Seguna na kapwa residente sa lugar.
Kwento ng mga residente, narinig nila ang masayang pagkukwentuhan ng magkaibigan nang biglang mayroong dumating na motorsiklo.
Makalipas ang ilang sandali ay magkakasunod na putok na ng baril ang kanilang narinig.
Ayon sa mga kaanak ni Dizon, wala silang alam na posibleng motibo sa pamamaril. Ngunit ayon sa biyenan nito, maaaring mayroong nakaaway sa sabong ang mga ito.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES