Senate probe kay Calida: Go ahead ayon sa Malacañang

Welcome sa Malacañang ang ikinakasang imbestigasyon ng Senado at Department of Justice laban kay Solicitor General Jose Calida dahil sa pagkakakuha ng kanyang security agency na Vigilant Investigative and Security Agency sa mga kontrata sa gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ganitong paraan ay magkakaalaman kung mayroong conflict of interest.

“I can’t tell the Senate what they want to do, they can do so if they wish, the President has said he will not fire Sec. Calida because of this controversy which sustains my earlier legal view that Sol. Gen. Calida is not guilty of conflict of interest, but i understand that the secretary of justice has relented and agreed to open formal investigations”, ayon kay Roque.

Kahapon lamang ay naghain ng resolusyon ang mga minority senators para paimbestigahan si Calida.

Sa panig ni Justice Sec. Menardo Guevarra, sinabi nito na iimbestigahan na rin ng kanilang hanay ang nakuhang kontrata ng security agency ni Calida sa DOJ.

Naunang nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang nakikitang rason para sibakin si Calida lalo’t nagnenegosyo lamang ang opisyal.

Read more...