Bersyon ng kongreso sa BBL malayo sa orihinal na disenyo ayon kay Iqbal

Aminado si Bangsamoro Transition Commission (BTC) Chairman Mohagher Iqbal na malayo sa isinumite ng komisyon ang inaprubahang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Mataas at Mababang Kapulungan.

Hindi naman idinetalye ni Iqbal kung anu-ano ang mga probisyon ito hanggang sa matapos ang lehislasyon ng panukalang BBL.

Sa kabila nito, umaasa si Iqbal na naayon sa Compehensive Agreement to the Bagsamoro ang BBL.

Dagdag niya, naniniwala ang BTC na magkakaroon ng mas magandang bersyon ng BBL sa bicameral conference committee.

Ani Iqbal, bukas diun naman sila sa amendments ng mga senador.

Read more...