Ito ay matapos makalusot kahapon sa dalawang kapulungan ng kongreso ang BBL.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ikinatutuwa ng Malacañang na naipasa na ang BBL para malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo.
Mahalaga na magkaroon ng pinal na bersyon ang dalawang kapulungan ng kongreso sa BBL para makalusot at makatayo sa korte kapag kinuwestyun na ang constitutionality nito.
Ayon kay Roque, ayaw ng administrasyon na matulad lamang ang BBL sa naging kapalaran noon ng Memorandum of Agreement on the Ancestral Domain o MOA AD na pinulot lamang sa basurahan dahil sa kwestyunableng probisyon.
Tinitiyak din ni Roque na pakikinggan ng gobyerno ang inilatag na input ng Moro Islamic Liberation Front kaugnay sa BBL.
Ayon kay Roque, naging malinaw ang paninindigan ni Pangulong Duterte na walang hiwalay na Bangsamoro police at militar sa bubuing Bangsamoro region.
Napakahalaga aniya ng BBL para makamit ang inaasam na kapayapaan sa Mindanao.