Nakahanap ng kakampi sa Kamara sa katauhan ni House Minority Leader Danilo Suarez si Solicitor General Jose Calida kaugnay sa kontratang pinasok ng kanyang security agency sa pamahalaan.
Ayon kay Suarez, wala namang masama sa isang opisyal ng pamahalaan kung magnegosyo dahil kailangan ito upang buhayin ang kaniyang pamilya.
Paliwanag ng pinuno ng minority bloc, hindi isyu ang mahigit P200M na kontratang pinasok ng Vigilant Investigative and Security Agency, Inc sa gobyerno.
Gayunman, sinabi ni Suarez na ang kailangang alamin ay kung dumaan sa tamang proseso ang kontrata.
Partikular anya na dapat tingnan ay kung nabigyan ng pabor ang security agency ng solicitor general dahil sa impluwensya nito.
MOST READ
LATEST STORIES