Mahigit 48,000 na pasahero naitala sa mga pantalan apat na araw bago magpasukan

Apat na araw bago magpasukan ay naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kabuuang bilang ng 48,174 na pasahero sa mga pantalan sa bansa.

Sa monitoring ng PCG sa ilalim ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos #BalikEskwela2018 pinakamaraming pasahero sa mga pantalan mula alas-6 kagabi hanggang alas-12 ng madaling araw sa Central Visayas sa kabuuang bilang na 12,579.

Sinundan ito ng Northern Mindanao sa 8,418; ikatlo ang Western Visayas sa 5,581 at ikaapat ang Southern Tagalog sa 5,189.

Pinakakaunti ang mga pasaherong palabas ng National Capital Region at Central Luzon sa 272.

Sa June 4 na magbubukas ang klase para sa taong panuruan 2018-2019 kung saan inaasahan ang mahigit 27 milyong mag-aaral ang magbabalik eskwela.

Read more...