Ilang lugar Rizal at QC, mawawalan ng kuryente ngayong araw

Mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Quezon City at San Mateo Rizal ayon sa Meralco.

Sa abiso ng electric company, apektado ng service interruption ang buong Ciudad Licel Subdivision sa Brgy. Banaba, San Mateo Rizal bunsod ng line reconductoring works. Magsisimula ang pagkawala ng kuryente mamayang alas-10 ng umaga at tatagal hanggang alas-3 ng hapon.

Alas-9 naman mamaya hanggang ala-1 ng hapon ay mawawalan rin ng kuryente ang bahagi ng Brgy. Sta. Monica sa Novaliches, Quezon City.

Bunsod naman ito ng installation ng karagdagang lightning protection devices at line reconstruction works.

Read more...