Dahil sa ITCZ ay makararanas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ngayong araw ang mga nabanggit na lugar.
Pinayuhan ng weather bureau ang publiko na patuloy na magmonitor sa kanilang weather updates.
Samantalang sa natitirang bahagi naman ng bansa partikular sa Luzon ay inaasahan ang mainit na panahon.
Inaasahang papalo ang maximum temperature sa Tuguegarao City sa 39 degrees Celsius at 34 degrees Celsius naman sa Metro Mania.
Para sa weather outlook ng Pagasa sa buwan ng Hunyo ay inaasahang papasok ang isa hanggang dalawang bagyo at kadalasang tumatawid ito sa bandang Luzon o Visayas area sa naturang buwan.
Samantala, posible na umanong magsimula ang rainy season sa pagitan ng June 4 hanggang June 14.