Pinag-uusapan ngayon sa social media ang P100 bill kung saan tila ay may naging depekto sa pagkakaimprenta.
Ito ay matapos makitaan ng mistulang ‘cleft lip’ o bingot si dating Pangulong Manuel Roxas na tampok sa naturang money bill.
Sa kanyang post, sinabi ni Reina Jean Prescillas na ang mga may depektong P100 bill ay nakuha niya mula sa isang ATM sa Quezon City.
Anya, nakauwi na siya nang bahay nang mapansin na may bingot ang dating pangulo sa dalawang P100 bill na kanyang na-withdraw.
Samantala, matatandaang noong nakaraang taon ay naging usap-usapan din sa social media ang mga pera na walang mukha na nakuha rin sa ATM.
Wala pang opisyal na pahayag ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa panibagong insidenteng ito.
MOST READ
LATEST STORIES