Timbog ang dalawang lalaking mga tulak ng droga matapos magsagawa ng drug buy bust operation ang Quezon City Police District (QCPD) Station 7 sa Barangay San Martin de Porres.
Nakilala ang mga drug pusher na sina Rolly Simbulan at Ricsol Beltrano.
Ayon sa hepe ng QCPD Station 7 na si Police Superintendent Giovanni Caliao, sa P500 halaga ng droga ang nakuha ng kanilang mga operatiba mula sa mga suspek sa gitna ng transaksyon.
Ngunit nang maaresto ay karagdagang 6 na medium-sized sachet ng shabu ang nakumpiska mula sa mga ito na tinatayang nagkakahalaga ng P7,000.
Kapwa kabilang sa drug watch list ang mga suspek.
Dahil dito ay parehong mahaharap sina Simbulan at Beltrano sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.