Dead on arrival na sa ospital ang isang lalaki matapos itong malapitang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Capipisa sa bayan ng Tanza, Cavite.
Kinilala ang nasawing biktima na si Hesusito Mansanilla.
Batay sa imbestigasyon ng Tanza Municipal Police, sakay ng kanyang electric bike si Mansanilla nang bigla itong harangin ng isang lalaki.
Walang pag-aatubili ay isang beses pinaputukan sa ulo ng suspek ang biktima bago agad na tumakas.
Agad na isinugod sa San Lorenzo Hospital si Mansanilla, ngunit idineklara itong dead on arrival.
Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang basyo ng bala ng kalibre 45 baril.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaslang, partikular ang motibo sa pamamaril. Kasabay naman nito ang followup operation para sa ikadarakip ng suspek sa pamamaslang.