Arestado ang tatlong kalalakihan sa ikinasang drug buy bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10 sa panulukan ng EDSA at E. Rodriguez Avenue sa lungsod Quezon.
Nakilala ang mga naarestong suspek na sina Julius Alcantara, 25 taong gulang; Joven Glipa, 27 taong gulang; at Samuel Quiral, 30 taong gulang na pare-parehong residente ng Quezon City.
Narekober mula sa mga suspek ang isang kilo ng marijuana na nakalagay sa mga plastic sachet.
Ayon kay QCPD Station 10 chief, Police Superintendent Ariel Capucao, tinatayang nagkakahalaga ng P13,000 ang marijuanang nakumpiska mula sa mga suspek.
Aminado ang isa sa mga suspek na nagbebenta siya ng marijuana. Ngunit aniya, dapat ay magkaroon ng batas sa bansa na pumapayag sa paggamit ng medical marijuana.
Mahaharap ang tatlo sa kasong pagbalag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.