Ilalagay sa National ID ang mga impormasyon tulad ng buong pangalan ng may-ari nito, kasarian, kapanganakan, lugar kung saan ito ipinanganak, address at blood type.
Mayroon ding biometrics na kasama sa National ID kasama ang litrato, fingerprints at iris scan.
Opsyonal para sa holder ng ID kung ilalagay ang kanyang marital status, email address at mobile number.
Aa Philsys registry, maitatala din ang mga nasabing impormasyon para sa database ng gobyerno.
Sinabi ng mga may akda na makatutulong ang Philippine Identification Act para maging seamless ang delivery ng serbisyo sa publiko, mas magiging maayos ang administrative governance, makakabawas sa katiwalian at bureaucratic red tape, makakatulong para masawata ang mga iligal na transaksiyon at mapapabilis pa ang proseso ng transaksiyon sa mga ahensiya o sangay ng gobyerno.