Hinamon ni Ako Bicol Representative Alfredo Garbin si Solicitor General Jose Calida na isapubliko ang detalye ng mga kontrata sa gobyerno na nakuha ng kanyang pag-aaring Vigilant Investigative and Security Agency Inc.
Ayon kay Garbin, bilang pangunahing abogado ng gobyerno ay kailangang maging malinis ito sa pagharap sa korte.
Sa ganitong paraan aniya ay magiging patas si Calida sa publiko lalo na sa tanggapan ng Solicitor General.
Sinabi naman ni ABS Party-list Representative Eugene De Vera na posibleng sibakin si Calida ni Pangulong Rodrigo Duterte sa oras na mawalan ito ng tiwala rito.
Iginiit pa ni De Vera, na hindi dapat makialam ang Department of Justice (DOJ) sa issue na kinakaharap ni Calida sapagkat labas sa hurisdiksyon ng DOJ ang issue ng SolGen.