Nanindigan si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na hindi pinababayaan ng bansa ang ginagawang pagpapalakas ng puwersa ng China sa West Philippine Sea.
Sa pagharap sa pagdinig
ng House Special Committee on the West Philippine Sea sinabi ni Cayetano na may mga hakbang na ginagawa ang pamahalaan sa gitna ng patuloy na militarisasyon ng China sa teritoryo ng bansa.
Idinadaan anya nila ang lahat ng kanilang hakbang sa pagprotekta ng soberenya ng bansa sa pamamagitan ng isang diplomatikong pamamamaraan.
Marami lamang anyang misinformation laban sa gobyerno pero ilang beses na nilang nilinaw sa china na tutol ang bansa sa militarisasyon sa west philippine sea.
Sinabi pa nito na ang bansa na walang mawalang bahagi ng teritoryo nito kaya malinaw sa china na hindi papayag ang bansa na pakawalan ang claim nito sa lugar.
Kung ikumpara nga anya ang kanilang estratehiya sa nakalipas na administrasyon, “prudent, patient and pragmatic” ang hakbang ng Duterte administration sa issue sa WPS.