Base sa House Bill 7806 ng Makabayan bloc, sinabi ng mga ito na marapat lamang na bigyan ng Filipino Citizenship si Fox dahil sa halos tatlong dekada na itong nanirahan sa bansa.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ang kongreso ay naggawad na ng Filipino citizenship sa mga dayuhan na nag-donate ng eskwelahan o multi-purpose halls para sa mga mahihirap na komunidad sa bansa.
Sinabi ni Zarate na marapat lamang din na ibigay na kay Sister Patricia ang pagka-Pilipino dahil sa mga naitulong ng madre sa mga magsasaka, indigenous people at marginalized sector sa loob ng 27 taon.
Tinanggap aniya ng Filipino community si Sister Fox dahil namuhay at nakiisa ito sa mga ipinaglalaban ng mga mahihirap sa bansa.
Iginiit nito na sa halip na i-deport ang madre ay dapat lamang na kilalanin ang mga sakripisyo nito para sa mga Pilipino at sa bansa sa loob ng halos tatlong dekada.