Nationwide earthquake drill isasagawa ng NDRRMC sa June 21

Muling maglulunsad ng nationwide earthquake drill ang Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Gagawin ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa June 21.

Ito na ang magiging ikalawang nationwide earthquake drill ngayong taon kasunod ng idinaos noong February 15.

Ayon sa abiso ng NDRRMC, sa June 21, ganap na alas 2:00 ng hapon ang lahat ay inaanyayahang makiisa sa drill.

Hinimok ang lahat na sabay-sabay na mag-Duck, Cover, and Hold pagsapit ng nabanggit na oras.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...