Nasawi sa magdamag na buy bust operations sa Bulacan, umakyat na sa 8

Pandi Bulacan | Radyo Inquirer

Umabot na sa walo ang bilang ng drug suspects na napatay at sinasabing nanlaban sa magdamag na magkahihiwalay na operasyon sa Bulacan.

Ayon kay Police Senior Inspector Epamela Esmaralda, spokesperson ng Bulacan PNP, dalawa sa mga napatay ay mula Balagtas, dalawa sa Pandi at dalawa sa Sta. Maria.

Habang tig-isa naman ang napatay sa Obando at Pulilan.

Paliwanag ni Esmeralda, magsasagawa lang sana ng mapayapang buy bust operation ang Provincial Mobile Force Company, pero nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang ka transaksyon kaya sila nanlaban at nagpaputok ng baril.

Samantala, wala namang naitalang sugatan sa panig ng PNP.

Patuloy ang imbentryo ng Bulacan PNP sa mga pakete ng shabu at armas na nakuha mula sa mga suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...