DepEd: Mahigit 27M estudyante, balik-eskwela sa June 4

Mahigit 27M ang bilang ng mga mag-aaral na magababalik-eskwela ngayong pasukan ayon sa DepEd.

Sakop nito ang mga level ng kindergarten, elementary, high school at senior high school.

Ayon sa Department of Education, para sa school year 2018 to 2019, nasa 27, 757, 546 ang mga estudyante na kanilang inaashang sasabak sa mga klase.

Pinakamaraming enrollees ay ang grade 1 hanggang grade 6 na may nakarehistrong 12, 663, 690 mga estudyante sa public school.

Sinundan naman ito ng grade 7 to 10 na nasa 6, 711, 367 ang mga talang magbabalik-eskwela.

Habang ang senior high school naman na grade 11 to 12 ay may bilang na 1,451,267.

Samantala, nasa 14.9 percent lamang ang mga magaaral na nag enroll sa private school kung saan katumbas lang ito ng mahigit 4 Milyon.

 

 

Read more...