Inalala ni Pangulong Duterte ang naging karanasan nya noon nang hindi siya maka-graduate sa San Beda.
Sa kaniyang talumpati sa graduation ceremony sa San Beda University ikinuwento ng pangulo noong hindi siya pinayagang maka-graduate ng mga pari sa San Beda dahil sa kinasangkutang gulo.
Sinabi ng pangulo na dahil na-expel siya sa unibersidad nag-imbento na lang sya ng istorya sa kanyang nanay na noon ay excited nang makita na tumatanggap sya ng diploma.
Ang problema ayon sa pangulo makalipas ang ilang taon ay nagkita ang kaniyang ina at pari ng San Beda at doon nabuking ang kaniyang pagsisinungaling.
Sinabi umano ng pari sa kaniyang nanay na na-expel siya dahil mayroon siyang binaril sa eskwelahan.
Kwento ng pangulo kalaunan naman ay pinatawad din siya ng pamunuan ng San Beda at pinayagang makapag-bar.