2 lola arestado sa Zamboanga City dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga

Inquirer Mindanao | Julie Alipala

Arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Zamboanga City ang dalawang babaeng kapwa senior citizen na.

Ayon kay Zamboanga City police chief, Senior Superintendent Allan Nazarro naaresto nila sa aktong pagbebenta ng shabu sina Hadji Sitti Bairulla Jalaidi, 60 taong gulang at Norma Ambani Awod, 63 taong gulang.

Isinagawa ang operasyon sa Veterans Avenue sa lungsod matapos ang surveillance sa dalawa.

Ani Nazarro, si Jalaidi ay nasa listahan nila bilang lider ng isang local drug group at nasa database din ng drug personalities ng pulisya habang si Awod ay posibleng bago pa lamang sa gawain.

Nakuhanan ng ilegal na dorga, analogue phone at P7,000 ang dalawang suspek.

Kinuha din ng mga otoridad ang gamit nilang Toyota Innova.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...