Real Numbers PH dapat na maging batayan sa anti-illegal drug campaign ng Duterte admin

Humihirit ang Malakanyang sa publiko na gawing batayan at sukatan ang real numbers para suriin ang tagumpay ng kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa ilegal na droga.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa unang taon ng #realnumbersph naipakita na agad sa publiko ang update sa tunay na bilang ng illegal drug raid, bilang ng mga napatay sa operasyon, bilang ng death under investigation, nationalities ng mga suspect, at iba pa.

Karapatan aniya ng publiko na magkaroon ng regular na accurate at verified information hinggil sa war on drugs campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng unitary data base.

Ayon kay Andanar, sa loob ng isang taon, hindi lamang mga ordinaryong drug pusher at user ang inaresto kundi maging ang mga high value target

Dagdag pa ng kalihim, sa pamamagitan ng #realnumbersph ay maipaalala sa lahat kung gaano kalaki ang sinisira ng illegal drugs sa komunidad at sa buong bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...