Dalawa pang drug suspects patay sa buy-bust na nauwi sa engkwentro sa Quezon City

Nauwi sa engkwentro ang sana’y mapayapa lamang na buy bust operation sa Dona Magdalena, Hemady St., Brgy. Cristong Hari, New Manila, Quezon City.

Nakiala ang mga nasawi na sina alyas Lito at Bong.

Ayon kay Police Supt. Gil Torralba, hepe ng District Drug Enforcement Unit ng QCPD, naganap ang engkwentro bago mag-alas 7:00 ng umaga ng Miyerkules matapos manlaban ang dalawa na target ng kanilang operasyon.

Nakatunog daw kasi ang mga suspek na pulis ang kanilang ka transaksyon kaya pinaputukan ang mga operating unit.

Wala namang tinamaan sa panig ng mga otoridad.

Narekober sa crime scene ang isang Cal. 9MM Armscor pistol, 1 Cal 38 revolver at hindi pa madetermina na bilang ng pakete ng mga shabu.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...