Base sa panukala ni Romero, nais nito ba magkaroon ng karagdagang P15 arawang sahod ang mga obrero sa Metro Manila, gawing P500 mula sa P200 ang unconditional cash grant sa ilalim ng TRAIN Law at bigyan ng special additional tax exemption na P16,500 ngayong taong 2018 ang mga sumasahod ng P21,000 pababa.
Sinabi ng mambabatas na malaking tulong ang nasabing mga benepisyo upang mabawi ang nawalang purchasing power ng mga Pinoy at hindi naman nalulugi ang mga negosyo.
Paliwanag ng mambabatas, doable at realistic ang kanyang suhestyon at hindi ito wishful thinking lamang para makaagapay ang mga ordinaryong Filipino sa mataas na inflation rate.
Iginiit nito na hindi maaring walang ibigay na tulong sa mga ordinaryong mamamayan dahil sa halos anim na porsyento ng purchasing power ng mga manggagawa ang nawala dahil sa mataas na inflation rate.