Sa statement na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), nagparating ito ng simpatya sa pamahalaan at
mamamayan ng Belgium.
Kasabay nito sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na batay sa monitoring ng Philippine Embassy sa Brussels walang Pinoy na nadamay sa insidente.
Aabot sa 8,000 ang Pinoy sa Belgium kabilang ang 100 sa Liege.
Base sa ulat, dalawang pulis at isang bystander ang nasawi sa insidente ng pananaksak. Mayroon ding dalawa pang pulis na nasugatan.
Isang lalaki na armado ng kutsilyo ang umatake sa dalawang babaeng pulis. Kinuha pa ng suspek ang baril ng pulis at saka pinaputukan ang isang lalaki na nasa loob ng kotse.