Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng mga militar at pulis ang imbakan ng armas ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Maguindanao.
Ayon kay Lt. Col Harold M Cabunoc, commanding officer ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion ng Philippine Army, tinarget ng kanilang operasyon ang firearms factory ng BIFF sa Brgy. Tonggol bayan ng General Salipada K Pendatun.
Nakuha ng mga otoridad sa imbakan ng armas ang dalawang Rocket Propelled Grenades Launchers, isang Cal .45 M1911 pistol, isang 12-gauge Shotgun, rifle grenades, mga home-made guns na ginagawa pa lamang, at samu’t saring mga bala.
Umabot naman sa 15 katao ang inimbitahan para sumailalim sa pagtatanong na kalaunan ay pinalaya din.
May bitbit ding arrest warrants ang mga otoridad nang salakayin ang lugar para kina BIFF members Sukarno Buka alyas Commander Buba, Parido Balabagan alyas Commander Banog, at Edsrafil Guiwan.
Hindi naman dinatnan sa lugar ang tatlo.