Pangulong Duterte naglabas ng sama ng loob sa San Beda University

Presidential Photo

Pahapyaw na binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamunuan ng San Beda University.

Sa talumpati ng pangulo sa graduation ng sa San Beda University sa PICC, sinabi nito na noong nag-aaral pa siya sa naturang paaralan, hindi man lang sya nagawaran ng kahit na anong uri ng karangalan at nasabitan ng medalya o kahit na tansan man lamang.

Pero ngayong siya na ang pangulo ng bansa, binigyan siya ng trophy ng San Beda.

Bukod dito ginawa pa siyang Hall of Famer, binigyan ng medalya at plaque ng San Beda.

Tinanong pa ng pangulo ang pamunuan ng San Beda kung sino ang kanyang kahilera sa mga Hall of Famer of Awardee, ang sagot ng San Beda, “Wala, ikaw lang”.

Ayon sa pangulo, pinatalksik pa siya ng San Beda noon matapos makabaril sa loob ng paaralan.

“So the next time I was given this award, sumipot ako. Tapos this is the first time with you actually. But ‘yung previous alumni, kita kita kami. I was awarded — karami kong… You know what, ‘di ko kayo niloloko ha. Ni sa pag-aral ko, ni tansan, walang nagbigay sa akin. Ngayon, ang San Beda, may trophy, tapos ngayon “Now introducing the hall of fame — Rodrigo Duterte.” Unsa man ning medalya (What is this medal)? Kalaki pati plaque. Sabi ko “Sino pa ang nasa hall of fame?” Sabi niya “Wala, ikaw lang mag-isa.” Well anyway, I would like to thank the Benedictine community for such a wonderful show of mercy,” ayon sa pangulo.

Sa kabila ng pambubuska ng pangulo, pinasalamatan naman ng pangulo ang pamunuan ng San Beda dahil sa pagpapakita umano ng awa sa kanya.

Si Duterte ay nagtapos ng abogasya sa San Beda College of Law.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...