PNP, handang magbigay ng suporta sa bagong presidente ng Anti-Criminal Council of the Philippines

Radyo Inquirer File Photo

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na magbigay suporta sa bagong presidente ng Anti-Criminal Council of the Philippines na si Bureau of Corrections Chief Ronald Dela Rosa sa laban nito sa mga smugglers.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, sakaling manghingi ng security aide o reinforcement si Dela Rosa ay handa sila itong ibigay.

Naniniwala kasi sya na talamak pa rin ang smuggling sa bansa dahil sa archipelago ang Pilipinas kung saan maraming isla at dagat na pwedeng daanan. Nakakpasok din daw ang mga smugglers sa pamamagitan ng backdoor.

Gayunman, naniniwala si Albayalde na hindi kakailanganin ng maraming pwersa sakaling huminge ng tulong si Dela Rosa para sa security.

Tiwala rin aniya siya na kakayanin ng kanilang territorial units kung ang pag uusapan ay ang pagbibigay lang ng seguridad.

Una nito ay sinabi ni Dela Rosa na pinag iisipan na niya na i-tokhang ang mga smugglers sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...