Mindanao inuulan pa rin dahil sa ITCZ

Inuulan pa rin ang maraming lalawigan sa Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone.

Sa abiso ng PAGASA, alas 5:50 ng umaga kanina, nakararanas ng malakas na buhos ng ulan na mayroong pagkulog at pagkidlat ang mga lugar sa Mindanao gaya ng ng Dinagat Islands, Siargao Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Sur, Moro Gulf, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.

Sinabi ng PAGASA na maaring tumagal ng hanggang dalawang oras ang malakas na ulan sa nabanggit na mga lugar.

Maliban sa ITCZ na umiiral sa Mindanao, ang iba pang bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila ay apektado pa rin ng easterlies.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...