3 drug suspects patay sa magkahiwalay na operasyon sa Laguna at Quezon

Police banner

Tatlong drug suspects ang nasawi sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga otoridad sa Laguna at Quezon.

Sa Cabuyao, Laguna, patay si alyas Duterte at isa pang kasama nitong lalaki nang mauwi sa engwentro ang buy bust operation sa Barangay Banay Banay alas 2:30 ng madaling araw ng Miyerkules.

Sa ulat ng Laguna Provincial Police Office, nagsagawa ng operasyon ang mga tauha ng District Enforcement Unit laban sa dalawang suspek pero nakatunog ang mga itong pulis pala ang katransaksyon kaya pinaputukan nila ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na siyang ikinasawi ng dalawa.

Sa Lucena City naman, isang lalaki na sisilbihan sana ng warrant of arrest para sa kasong murder ang nasawi matapos ding manlaban.

Ang suspek na si Ruben Villanueva alyas Scot at Adik ay wanted sa pagpatay sa isang lalaki at kilala ring tulak ng ilegal na droga sa lugar.

Nang dumating ang mga otoridad sa kaniyang bahay sa Barnagay Cotta, nahuli ito sa aktong nagre-repack ng shabu kasama ang live in partner niya at dalawang iba pa.

Pinaputukan ni Villanueva ang mga pulis dahilan para barilin ito ng mga otoridad na kaniyang ikinasawi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...