Tatlong holdaper patay sa engkwentro sa mga pulis sa QC

Radyo Inquirer Photo

Patay ang tatlong hinihinalang holdaper matapos maka-engkwentro ng mga otoridad sa Quezon City.

Ala una nang madaling araw nang holdapin ng tatlong suspek ang taxi driver na si Henry Camarines.

Kwento ni Camarines, sumakay sa kaniya ang tatlong holdaper at pagsapit sa bahagi ng New Manila sa Barangay Mariana sa Quezon City ay tinutukan siya ng baril nagdeklara ng holdap ang mga suspek.

Sa takot, ibinigay na ni Camarines ang tatlong libong pisong kinita niya sa magdamag na biyahe.

Nang bumaba ang mga suspek agad nagtungo si Camarines sa Galas Police Station na agad nagkasa ng follow up operation.

Nasukol sa bahay ng C.P Garcia ang tatlong suspek at nang sitahin ay pinaputukan nila ang mga pulis dahilan para mauwi sa engkwentro ang insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...